MMK: John Prats-Baron Geisler pang awards
By: Alfie Lorenzo   From: Abante Tonite
[August 2005]


    KUNG natuloy siguro ang bigayan ng awards for TV ay runaway winners sina John Prats at Baron Geisler sa Maalaala Mo Kaya na ni-replay nu'ng Huwebes, mula sa una nitong pagpapalabas nu'ng Pebrero.

    Ginampanan ni John Prats ang role ng isang putol ang dalawang paa at isang kamay. First time naming nakita ang ganoon ka-dramatic na portrayal ni John Prats na naiwaglit ang kanyang pagka-Robin Padilla at Aga Muhlach combination.

    He was on his own style of acting. Kaya kahit na napanood na namin nu'ng unang ipalabas ang Trolley at may sarili kaming tape nito, hindi namin kinainipan ang muling panonood nito nu'ng Huwebes ng gabi.