Si John Prats at ang mga bading sa ABS-CBN!
By: Jun Nardo   From: Abante
[June 9, 2005]


    Masaya sa kanyang acting career ngayon ang young actor na si John Prats. Matapos siyang maligwak bilang ka-loveteam ni Heart Evangelista, sinuwerte naman siya sa sunud-sunod na projects niya sa Regal.

    Proud siya ngayon dahil naka-work niya si Maryo de los Reyes sa Happily Ever After.

    "Fan na niya ako since Bagets days pa. Kabado nga ako nu’ng first day shooting namin dahil seryoso ito. Hindi pala. Sobrang kengkoy si direk Maryo at ang sarap katrabaho," kuwento ni John.

    Nasa pelikulang Ako, Legal Wife rin siya na dinidirek ni Joel Lamangan.

    "Bading naman ako rito, pero closet at hindi tumitili. Bago kami nagsyuting, inobserbahan ko ‘yung mga bading sa Dos," sabi niya.

    May mga bading sa Dos? Sinu-sino ‘yon?

    "Ha! Ha! Ha! ‘Yung mga nagwo-work na bading doon ang inobserbahan ko at ginawang model sa role ko. ‘Yun lang ang mga bading na kilala ko. May iba pa ba? Ha! Ha! Ha!" ani John.

    Eh, magtatanong pa sana kami kay John, kaso tinawag na sila sa presidential table for the presscon proper, kaya listen na lang kami sa question and answer portion at saka nagbabu!