Wag nang pahabain
By: Chit Ramos
From: Tempo   [July 2005]


    Hindi nakaligtas si John Prats sa mga tanong tungkol kay Heart Evangelista kahit ang leading lady niya sa "D'Anothers" ay si Michelle Madrigal. (Incidentally, kataka-taka ang pagiging absent uli ni Michelle sa second presscon ng pelikula.)

    "Ayoko po kasing ipagtanggol ang sarili ko. Ayoko po kasing masaktan ko siya. Gusto ko na lang isipin ang magaganda naming pinagsamahan. Baka po kasi bumalik ang depression ko," ani John.

    Sa pagkakaalam ng Tiyempo, tinawagan ni John si Heart at sinabi ng dalagang "hindi naman niya sinabi ang mga nasulat na iyon."

    Kaso nito, marami ang nakarinig ng interview kay Heart. Karamihan sa mga ito ay gustong iparinig kay John ang naka-tape nilang inter-view. Pero tumanggi ang binata.

    "Huwag na po nating pahabain pa!" tangi niyang nasabi.

    Isusulat na lang natin, kung gayun, ang bulong ng isang nagmamalasakit kay John na alam kong nagsasabi nang totoo.

    "Buti nga po si Heart, tatlong gabi lang niyang iniyakan ang break-up nila ni John. Saman-talang si John, buwan. Kahit na nu'ng ginagawa na ni John ang 'It Might Be You' teleserye, he was still hurting. Hindi niya talaga maintindihan si Heart."

    Paano raw sasabihin ni Heart na hindi siya ipinaglaban ng binata, samantalang gustong-gusto na nitong aminin noon na "sila na nga." Pero, ayawni Heart. Magagalit daw ang father niya."