Alaga ni Katrina, type magpabinyag kay John Prats!
By: Dondon Sermino   From: Abante
[May 25, 2006]


    Hindi raw gumigimik si Katrina Paula para sa bago niyang alaga na si Holy Davide. Pero, sa pangalan pa lang ng bago niyang alaga, aba, isang malaking gimik na ‘yon, ‘no!

    Eh, para gamitin mo ang pangalang Holy, at ikabit mo pa ang apelyido ng respetadong si Judge Hilario Davide, isang malaking gimik na ‘yon, at halata mo na nanghihikayat na mapag-usapan agad.

    Pero, hindi pa riyan natatapos ang lahat. Heto nga at tila ang pangalan naman ni John Prats ang gusto nilang kaladkarin. Sa kuwento kasi ni Katrina, patay na patay ang alaga niyang si Holy kay John.

    Katunayan, sa taping nga raw ng Bituing Walang Ningning sa isang lugar sa Quezon City, naglakas ng loob si Holy na lumapit kay John para magpakuha ng larawan.

    At hindi pa rin doon natatapos ang kuwento. Dahil ang kasunod na plano ni Holy ay magpatikim kay John.

    "Virgin pa si Holy at si John ang napili niya na makauna sa kanya. Oh, `di ba, magpapadonselya siya kay John.

    "Luka-luka talaga itong bago kong alaga. Dahil sa tindi ng crush kay John, ibibigay talaga niya ang virginity niya. Kaloka siya!" sabi ni Katrina.

    Sabi ko kay Katrina, busy pa si John ngayon sa promo ng pelikulang Manay Po, kaya wala siyang time na mambinyag o binyagan si Holy. Try na lang nila pagkatapos ng pelikula.

    Pero, ‘yun ay kung matitipuhan naman kaya ni John si Holy, ‘no! Eh, siguro naman, hindi naman si John ‘yung tipo ng lalaki na lapitan lang ng isang babae, papayag na agad na tumihaya sa kama.