Best Friend Si Keanna
By: Emy Abuan-Bautista   From: Pilipino STAR Ngayon
[July 27, 2006]


    Inamin ni John Prats nang makausap namin sa presscon ng SuperNoypi na malaki ang naitulong ni Keanna Reeves sa kanya bilang bestfriend niya. ‘‘It made me a better person,’’ ani John.

    Kailanman ay hindi papatol si John sa older women dahil konserbatibo ito at gustong mas matanda siya sa babaeng iibigin.

    Maganda ang takbo ngayon ng career ng aktor kung saan hindi lang siya ratsada sa telebisyon kundi gayundin sa pelikula. Dahil sa dami ng trabaho ngayon sa showbiz ay nakabili na ito ng lote sa Valleverde na patatayuan niya ng bahay.