Dance showdown nina John, Mark, napurnada!
By: Nitz Miralles From: Pilipino STAR Ngayon
[December , 2006]


    Masaya ang Pasko ni John Prats dahil may lovelife na, kasama pa siya sa SuperNoypi ng Regal na sabiy dark horse sa Metro Manila Film Festival. Ginagampanan niya ang role ng asawang si Ygo na ang prosthetics ay nagpahirap sa kanya.

    Nanghinayang lang si John na never matutuloy ang inasam nila ni Mark Herras na makapag-dance showdown to promote their movie sa ASAP at SOP dahil magka-iba sila ng network. Matutupad lang ito sa gagawin nilang dance movie sa Regal next year.

    First Christmas pala nina John at ng girlfriend niyang si Miakka Lim kaya, excited ang actor. Kung i-describe nito ang dalaga ay "My super proud gf dahil never siyang idinenay (may pinatamaan ba si John?) at tanggap siya ng pamilya nito.