Dance-themed movie para kina John Prats at Mark Herras
By: Dinno Erece   From: People's Taliba
[November 03, 2006]


    Advanced news, binabalakan daw na gawan ng isang dancing movie sina Mark Herras and John Prats.

    Comment ng mga kasamahan namin sa panulat when John mentioned this planned movie during the photo shoot of Super Noypi, it’s about time daw para magkaroon ulit ng isang musical movie na dancing-heavy, and no other actors today are more apt to star in this planned film than Mark and John na magkasama rin sa Super Noypi.

    Si Mark ang bad boy of the dance floor ng GMA-7 at si John naman ang pambato ng ASAP and Star Dance noon ng ABS. At kung nakakadalawang dance albums na si Mark under Universal Records, magkakaroon na rin daw si John.

    Kung matutuloy, kuwento raw ito ng dalawang dance groups na pangu-ngunahan nga nina Mark and John. We then asked John paano si Gerald Anderson na pinuposisyon din ng ABS as Mark’s counterpart in the dance floor at ang isi-nagot ni John, “kanya-kanyang diskarte lang ‘yan.”

    Sabi pa niya, bata pa lang siya, mahilig na talaga si-yang sumayaw. Suhestiyon namin, bakit hindi pagsama-samahin sina Mark and Marky Cielo and John and Gerald para mas panalo ang pelikula? Kaso exclusive si Gerald sa Star Cinema, so mahihirapang makuha ang PBB teen for that project.

    Sa Regal Entertainment daw kasi ito gagawin kung matutuloy.