Jennylyn panay ang pisil at hipo kay John
By: ----   From: Philippine Star
[November 02, 2006]


    Hindi naman siguro pinagseselos lang ni Jennylyn Mercado ang ex-boyfriend� ng si Mark Herras dahil sa harap nito�y panay ang pisil sa pisngi at hinihipo ang muscles ni John Prats habang break-time sa pictorial ng SuperNoypi. Nagbiro na nga si John na tsinatsansingan siya ni Jennylyn pero, ayaw pa ring tumigil ang dalaga�t nakyu-kyutan daw siya sa actor.

    Pangiti-ngiti lang si Mark habang nakatingin sa dalawa. Wala nga naman siyang karapatang magselos at alam na taken na si John. Nasa pictorial nga ang non-showbiz girlfriend nitong si Miakka Lim na kilala raw ng mga kasama�t dumadalaw din sa shooting nila.

    Dedma rin si Mark sa narinig na sinabi ni Jennylyn na between them, ang dalaga ang unang naka-move on after their break-up. Pansin lang namin, hindi sinagot ni Jen kung may kapalit na ang ex sa puso niya at kung si Patrick Garcia �yun.

    Sina Jen at Mark pa rin ang magka-loveteam sa SN pero, ang ikinatutuwa ng dalawa�y hindi focus sa loveteam ang istorya ng pelikula. Hindi rin daw kailangan ang kilig scenes kaya, 3 percent lang nito ang meron. Ang focus ng movie ay kung paano nila isi-save ang mundo sa masasamang tao gamit ang kani-kanyang powers.