John, aswang ang role sa Super Noypi
By: Nitz Miralles   From: Ang Pilipino STAR Ngayon
[November 06, 2006]


    Aswang ang role ni John Prats sa Super Noypi at may prosthetics siya. Pero, di pa siya nakikita na ayos aswang dahil nang bumisita kami sa shooting, ‘di siya pinalabas ni Direk Quark Henares at ni Roselle Monteverde-Teo. Sa cast pictorial, ‘di rin siya pinalagyan ng prosthetics para ‘di ma-preempt ng press ang hitsura niya. Sa trailer ng movie sa December 13 pa mapapanood ang actor na naka-prosthetics.

    Kampante si John to be working with GMA-7 stars kaya, okey sa kanya ang ginagawa ni Mother Lily na pagsamahin ang mga taga-Ch. 7 at ABS-CBN. Sa SN, naging kaibigan niya si Mark Herras at looking forward siya sa muli nilang pagsasama in a dance movie na sisimulan sa first quarter ng 2007.

    Akala namin, ang dance movie with Mark is the same movie na binanggit ni Heart Evangelista na gagawin niya sa Regal. Sabi nito, okey lang makatrabaho niya si John. Siya ba, okey na muling makasama sa pelikula ang ex-girlfriend?

    (Matagal sumagot si John) "Okey lang din sa akin. Hindi ako agad sumagot ‘no? Pinag-isipan ko pa ang isasagot ko," sabi nito.