John at Mark parehong 2 buwan nang maligaya
By: Ambet Nabus   From: People's Taliba
[November 02, 2006]


    Naging panahon nga yata ng aminan ang Undas lalo na kina John Prats at Mark Herras, dalawa sa mga bidang bituin sa Super Noypi.

    At nakakalokang parehong two months na silang maligaya. Si John Prats ay two months nang nakikipag-bonding kay Miakka Lim, ang magandang dilag ng mga kaibi-gang Frankie at Olen Lim mula sa mundo ng PBA, kung saan nagsisilbing team manager ng Talk & Text ang dating mahusay na manlalaro.

    Intimidated man siya nung una dahil ang tangkad-tangkad nga naman ng tatay ng kanyang bagong karelasyon, ay sobrang nagagalak si John sa klase ng closeness ng pamilya nina Miakka.

    “Full force parati lalo na kapag nanonood sila ng basketball,” ang tsika ni John na gaya ni Miakka ay super close din sa kanyang pamilya.

    Ang pagiging sweet, maalalahanin, maasikaso at sobrang lapit sa pamilya ang ilan sa mga pangunahing dahilan kung bakit nabihag ni Miakka ang puso ni John na ang huling seryosong relasyon pala ay noong sila pa ni Heart Evangelista.