John, ayaw nang ipagamit ang katawan!
By: ----   From: ----
[December 10, 2006]


    Tatlong buwan nang masaya ang lovelife ni John Prats. In love nga siya sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Miakka Lim. Nakilala niya ito via sa bestfriend ng kapatid niyang si Camille.

    Ngayon lang na-realize ni John na mas okey pla magkaroon ng girlfriend na hindi taga-showbiz. Mas wala siyang worries at wala siyang nagiging malaking problema.

    Aminado si John na kapag my girlfriend siya sa showbiz, naapektuhan ang trabaho niya.

    "Ayoko na ng gano'n nagsawa na ako sa kanila! ha!ha!ha!" bungad n sabi ni John. Ayoko ng ipagamit ang katawan ko sa kanila! ha!ha!ha!"

    "Joke lang 'yun, huh! ha!ha!ha!"

    "Seriously, iba pala ang pakiramdam kapag ang girlfriend mo,eh hindi mo kasamahan sa showbiz. Mas relaxed ka at hindi ka stressed out. Mahirap kasi yung away-away. Naku! Ayoko nang nakikipagaway sa babae. Ako naman matiisin ako. Kahit hindi ako may sala, sige lang tatanggapin ko. Pero ngayon, tapos na tayo riyan. I'm happy with my relationship right now." say niya.

    Ayon kay John sina Heart Evangelista at Maja Salvador pa lang ang nakakarelasyon niya sa showbiz. Pero hindi na niya sinabi kung sino sa dalawa ang nagpahirap sa puso niya.

    "Teka sila lang ba? ha! ha! ha! ha! Baka may nakalimutan akong banggitin! ha! ha! ha! ha!"

    "Huwag na lang natin banggitin kung sino sa kanila because that would be ungentlemanly of me. Mga friends ko naman sila ngayon at maayos naman kaming naghiwalay. Kumbaga, history na lang sila sa buhay ko ngayon kasi may ibang karelasyon na sila. Gusto ko naman ay yung magkakasundo pa rin kami."

    Kasama nga pala si John sa MMFF entry na SUPER NOYPI gaganap siya bilang mabait na Aswang.