John Prats basted kay Nancy
By: Pacita M.   From: Tempo
[May 2006]


    Nakabuti marahil kay John Prats ang pagkakapasok niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Nagpapaka-humble na siya at nagpapaka-totoo pa.

    According to a very reliable source, tinanggap na ni John ang katotohanang malabo silang magkatuluyan ng babaeng mula sa Canada, si Nancy Castiglione. Iba kasi ang kultura ng dalaga sa pakikipagrelasyon. Okey kasi sa pinaghalu-halong Italian- Canadian-Pinay na makipag-date sa iba kahit kabi-break pa lang nito sa BF o may boyfriend pa siya.

    Hindi pa pala gaano’ng naghihilom ang sugat ng puso nito sa break-up nila ng dating karelasyong si Bullet Jalosjos. Umaasa pa pala itong magkakabalikan pa sila ng mayamang BF. At iyon na nga yata (?) ang nangyari.

    Broken-hearted tuloy si Pratty (palayaw ni John). But not for long, dahil ba-litang si Say Alonzo na ang binabalatayan niya nga-yon. It seems, Pratty has found in Say the “the real one.” Buti naman, kaya goodluck na lang, John.

    He has also realized the injustice he has done to a “pretty young girl” who used to be his “best friend.” His “dancing partner” too. According to the same very reliable source, nagtaka ang dating PBB housemate nang isnabin siya ng dalagita sa ASAP rehearsal kamakailan lang.

    “Nakalimutan mo na yata ang ginawa mong kasalanan sa kanya bago ka pumasok sa bahay ni Kuya,” anang VRS (very reliable source) Right there and then, nag-text siya sa dalagita at humingi ng dispensa sa mga nangyari. He also expressed na kung puwede sana’y maibalik man lang kahit ang “friendship” na sinira niya.

    Kung magtatagumpay si Pratty, eh, hindi pa namin alam. Abangan natin ang susunod na kabanata. Ang importante, he has made the first move na ayusin ang gusot na ginawa niya.