Polo, Mark, Patrick, John, Zanjoe pasok sa Top 10 ng Cosmopolitan’s 69 Bachelors
By: M.Navarro   From: People's Taliba
[August 29, 2006]


    FOR the first time, wala na raw magiging ‘ranking’ ang Top 10 guys na featured sa anniversary issue ng Cosmopolitan Magazine nga-yong Setyembre.

    Ang mangyayari’y pantay-pantay ang kani-lang exposure dahil ang talent managers daw ng mga artistang involved ang nag-aaway-away kung sino ang dapat na No. 1, No. 2, etc.

    Through the years, inaabangan ng kababaihan at kabadingan ang September issue ng Cosmo mag dahil naririto nga ang oh-so-popular list ng Cosmo 69 Bachelors na kapag nakasama ka sa list, eh, in ka talaga.

    Ang mga pasok sa Top 10 • kahit walang ranking ay sina Polo Ravales, Zanjoe Marrudo, Mark Herras, John Prats, Patrick Garcia, TJ Trinidad, Marco Alcaraz, Enchong Dee, Will Devaughn at Victor Basa.

    Hindi lang nabanggit ng aming source kung sino ang nasa cover ng naturang supplement.

    Pero, kung tigwa-one page pa rin ang exposure ng mga hombreng ito, ang general thinking pa rin ng fans/readers ay kung sino ang mauunang malagay sa early page, eh, ‘yun pa rin ang magiging ranking, devah?

    Let’s wait and see na lang kung may kaseksi-hang ipinakita naman dito sina John, TJ, at Patrick na tipong mga ‘di pa natin na-sa-sight in their sexy outfits sa glossy mags sa kanilang mga career, di tulad ng ibang mga nabanggit sa listahan.

    Sabagay, say ng mga taga-Summit Media (publisher ng Cosmo), eh, hindi masyadong sexy ang concept ng 69 Bachelors ngayon kundi kung papaano raw maging ‘romantic guy’ ang mga hombreng ito sa tingin ng mga bilat!

    Ang kill joy naman kung gano’n? Hehehe.