Relasyong John at Nancy, naudlot?
By: Vinia Vivar   From: People's Tonight
[May 3, 2006]


    Tuluyan nang naudlot ang relasyong John Prats at Nancy Castiglione dahil ayon nga sa aktor, pagkatapos niyang lumabas sa PBBCE, hindi na sila nagkaroon ng oras pang magkasama ng aktres.

    “Well, ako naman kasi, nasa PBB pa open na ako sa puwedeng mangyari paglabas ko. Sinabi ko sa sarili ko, kung anuman ang kalalabasan, tatanggapin ko.

    “Nagkataon nga na ganito, pareho kaming naging busy, sobrang wala kaming time, after ng The Buzz, hindi na kami nagkausap, so ganu’n,” say ni John nang makapanayam sa presscon ng Manay Po.

    Wala pa naman daw siyang nakikitang ipapalit kay Nancy at hindi rin niya masabi kung tuluyan na niyang ititigil ang panliligaw dito.

    “Basta ako, sabi ko kay Lord, i-guide na lang Niya ako. Kung anuman ang gusto Niyang mangyari, tatanggapin ko,” say pa ni John.

    Nanonood daw siya ng PBBTE at dalawa ang bet niyang manalo — sina Jamilla at Aldred.

    “Kaso, sayang si Aldred kasi umalis siya. Si Jamilla naman, na-touch ako sa story niya, kaya siya ang bet ko talagang manalo,” anang dating housemate ng PBBCE.

    Second gay role ni John ang Manay Po dahil gumanap na siyang bading sa Ako Legal Wife last December. Hindi na siya masyadong nahirapan except sa mga sward speak na hindi pa rin niya masyadong kabisado.

    More than anybody, mas naka-relate si John sa movie dahil may gay din daw sa family nila — ang kanyang uncle. Ipinakikita kasi ng pelikula ang discrimation na natatanggap ng gays, which in the end, ay mag-iiwan ng moral lesson na hindi sila dapat i-discrimate.