John hindi ide-deny si Nancy pag naging sila na
By: Allan Diones   From: Abante Tonite
[April 21, 2006]


    Ayon kay John Prats, mga first week of January (this year) sila nag-break ni Maja Salvador at mga third week of January sila naging close ni Nancy Castiglione.

    Ayaw nang i-elaborate ni John ang tungkol sa kanila ni Maja dahil nabalitaan daw niya na nag-deny ito tungkol sa naging relasyon nila.

    Nagpramis si John na kapag naging sila ni Nancy ay hindi siya magde-deny at ia-announce pa niya ito sa lahat.

    "Pag nagka-girlfriend ako, gusto kong ipaalam sa buong mundo! Tama na ‘yung pagtatago para maiba naman, di ba?" sey ni John.

    Nakuha na ni John ang premyo niyang P500,000 sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Inilagay ito sa banko ni John at itatago muna niya roon dahil hindi pa niya ito kailangan.

    Hindi raw in-expect ni John na mapapasama siya sa Big 4 ng PBBCE at ang akala niya, sa second week pa lang ay tsugi na siya.

    Gusto lang daw niya itong ma-experience kaya siya pumasok sa Bahay ni Kuya at wala raw talaga sa goal niya ang manalo kaya happy siya para sa Big Winner na si Keanna Reeves.

    Parang na-culture shock daw si John nu’ng paglabas na paglabas niya ng Big Brother House ay nag-pictorial agad siya para sa Manay Po kung saan dinamitan siya at inayusan nang babae dahil bading ang role niya sa movie.

    Sobrang pa-girl si John sa pelikula pero hindi raw totoong magsusuot siya ng two-piece sa Manay Po.

    Wala rin daw kissing scene sa kapwa niya lalake dahil wala raw ‘yon sa usapan. Gusto raw niya munang alagaan ang positive image niya sa mga kabataan.