John pinanggigilan ang lips ni Katrina!
By: Ervin Santiago From: Bandera
[December 26, 2006]


    Ang daming kissing scene sa movie nina Katrina at ng kanyang kapartner na si John Prats. Sabi nga ng mga guys na nakapanood na rin ng pelikula, inggit na inggit daw sila kay John dahil ilang beses nitong pinagsawaan ang mga mapupulang labi ng FHM's 2006 sexiest woman. In fairness, talagang jackpot si John kay Katrina dahil napakarami nga namang nagpapantasya sa lola n'yo, pero siya ang sinuwerteng makalaplapan nito.

    Anyway, tiyak na magugustuhan ng mga bagets na mahilig sa adventure at fantasy ang "Super Noypi", in fairness, kitang-kita ang milyones ni Mother Lily Monteverde sa movie dahil sa special effects pa lang, winner na ito. Mula simula yata ng pelikula hanggang ending ay puro special effects ang mapapanood n'yo.

    Maganda rin ang kuwento ng "SUper Noypi" at mabilis din ang takbo ng istorya. Hindi kayo mabo-bore as in, and for sure, you'll ask for more. Actually sa ending ng movie, tiyak na aabangan na natin ang part two nito kaya asahan n'yo nang maglalabas uli ng milyones si Mother Lily for the second part of "Super Noypi".