John palaging guwardiyado ni Nancy
By: Dinno Erece
From: Taliba   [April 09, 2006]


    SA first day shooting ni John Prats for Manay Po, binisita siya ni Nancy Castiglione.

    Muntik-muntikan pang hindi natuloy ang first shooting day noon ni John for the Mother's Day presentation ng Regal Films directed by Joel Lamangan.

    That was immediately the day after makalabas siya sa bahay ni Kuya and to think nagtapos ang big night, kinabukasan na. Ngunit dahil picture taking na rin 'yun ng buong cast, hindi na nakatanggi si John but to report for work.

    Anyways, he was happy naman siguro that day na kahit medyo disoriented pa siya at kalalabas niya pa lang sa bahay ni Kuya, magandang buwenamano sa kanya na bisitahin siya ng kaniyang 'friend' ngayon na si Nancy.

    Ayaw pa niya sanang umamin dito kaso ang co-stars na niya mismo ang nagbuko sa pagbisita ng dalaga, particularly si Christian Vasquez na co-housemates niya rin.

Ang pobreng John, smile na lang ang naisagot about this.

    Teka muna, how true kaya ang tsismis na pag-katapos lumabas ni John sa PBB house ay palagi na siyang guwardyado ni Nancy?