John at Katrina, malabo nang maging sila
By: Vinia Vivar   From: People's Tonight
[October 28, 2006]


    Para matigil na siguro ang isyu sa kanila ni Katrina Halili, dinala ni John Prats ang non-showbiz girlfriend niya sa shooting ng Super Noypi kamakailan.

    Ayon sa mga nakakita, maganda rin ang girl at mukhang galing sa good family. Sweet-sweetan ang dalawa at walang ginawa kundi maglambingan.

    Nandu’n si Katrina sa set at dedma lang naman daw siya sa nakikita. Pero panaka-naka ay sinusulyapan ang dalawa.

So, pa’no na sila?

“E, naudlot na, kaya malabo na,” say ng aming source.