John, Handa Nang Maging Aswang
By: Emy Abuan-Bautista   From: Ang Pilipino STAR Ngayon
[July 19, 2006]


    Excited na si John Prats dahil isa siyang aswang sa Super Noypi.

    "Kaibang aswang po ito at hindi yung kumakain ng sanggol. Gagamitan ako ng prosthetic make-up pero hindi sa mukha kundi sa buong katawan. Third movie ko ito na magiging entry sa Metro Manila Film Festival," aniya.

    Masigla ang career ni John. Bukod sa Bituing Walang Ningning, kasama ito sa Barcelona with Toni Gonzaga at Luis Manzano. Napapanood din ito sa ASAP at Wowowee.

    Tapos na rin ito ng pag-aaral sa Thames ng Business Management kaya may fallback sakaling manamlay ang career balang araw.

    "Ano naman ang investment mo ngayon?" tanong ko.

    "Nakabili po ako ng lote sa may Valle Verde at gusto ko dun ipatayo ang dream house ko kaya nag-iipon akong mabuti," pagtatapos pa nito.