John, nanlamig kay Nancy!
By: Emy Abuan-Bautista   From: Ang Pilipino STAR Ngayon
[May 24, 2006]


    Nagtataka ang ilang kasamahan sa panulat kung bakit biglaang nanlamig at dumistansiya si John Prats kay Nancy Castiglione. Kaya maagang nagtapos ang kanilang relasyon.

    Tinanong ang aktor tungkol kay Nancy at ito ang kanyang naging sagot, "Gusto ko munang mag-concentrate sa trabaho. Magiging unfair naman kung kami na nga pero wala naman akong time sa kanya. Kaya nag-decide kaming pareho na sa trabaho muna kami ngayon. Naniniwala ako na kung kami talaga ang para sa isa’t isa, kami pa rin," sey nito.

    Nang tanungin kung babalikan pa rin niya ang aktres sakaling may time na siya, ang sagot niya, "Depende."

    Hindi kaya na-turn off si John kay Nancy dahil sa pagiging playgirl nito?

    Natuwa ang aming Parish Priest na si Fr. Noel Rabonza ng Holy Trinity Parish sa Village East, Cainta, Rizal dahil 25% o P100,000 na kinita ni John Prats bilang second big winner ng PBB-Celebrity Edition ay ibinigay niya bilang tulong sa pagpapagawa ng aming simbahan na under construction ngayon. Nagbigay naman ng donasyon na P25,000 ang aktres na si Beth Tamayo.