John proud sa relasyon nila ni Maja
By: Gerry Ocampo
From: People's Tonight   [January 01, 2006]


    Tsika sa amin na umanin na rin sa wakas si John Prats na si Maja Salvador ang ipinalit niya kay Heart Evangelista.

    Kung dati ay atubili at takot ipagtapat ni John ang naging relation nila ni Heart, ngayon ay proud at ipinagmamalaki pa ng binata ang relasyon nila ni Maja.

    Katuwiran ng utol ni Camille Prats, ayaw na raw nito maulit ang nangyari sa kanila noon ni Heart.

    Nagkasama sina John at Maja sa It Might Be You, pero di raw kaagad nagkaroon ng feeling ang actor sa dalaga dahil siguro daw in-love pa rin ito kay Heart kaya di niya pansin si Ms. Salvador.

    Pero nang magdalaga na si Maja at nakita ni John na perfect itong maging girlfriend para sa kanya at timing naman na wala na itong boyfriend kaya niligawan ng utol ni Camille.

    Aminado si John na maraming ways na pareho sina Maja at Heart kaya daw madali siyang na-in-love dito. Nadiskubre din niya na mas matured ang isip nito compared sa edad kaya isa ito sa nagpa-attract nang todo sa young actor.

    Higit sa lahat tanggap ng mga magulang ni John ang relasyon ng actor kay Maja at tila paborito pa nga raw ito ng parents ni actor. Idagdag pa na very close sina Camille at Maja dahil magkabarkada pala ang dalawa.