John Prats, di na tinutubuan ng buhok sa kilikili
By: ----
From: Pilipino STAR Ngayon   [April 09, 2006]


    Iiling-iling si John Prats nung alamin namin kung ano ang ginawa niya sa condom na iniwan ni Budoy sa kanila ni Zanjoe Marudo.

    Umamin kasi si Budoy na nung pumasok siya ng Bahay ni Kuya ay nagbaon siya ng pitong condom, pero hindi niya ito nagamit kaya nung na-evict siya ay binigyan niya ng tig-isa sina John at Zanjoe.

    "Nakakatawa nga yung condom, kasi hindi kilala yung pangalan, parang walang nabibili rito sa Maynila, parang sa bayan (Cebu City) lang nila meron.

    "Nandoon, iniwan namin ni Zanjoe sa Bahay, hindi namin ginamit. Sabi ko nga kay Budoy na maloko siya kasi pitong condom yung baon niya, e, pitong babae yung kasama namin sa PBB, so gusto niyang tikman lahat yun," natatawang kuwento ni John.

    If ever bang may chance gamitin ni John ang condom ay gagawin niya ito?

    "Ay hindi, malabo at saka hindi ko kaya yun sa taong hindi ko mahal," mabilis niyang sagot.

    Samantala, nagkakatawanan nga raw ang mga staff ng isang pelikula dahil nung bihisan na raw si John ng damit babae at nagsuot pa siya ng two-piece bikini ay mas maganda pa raw siya sa kapatid niyang si Camille Prats?

    In fairness, makinis naman kasi talaga si John, tamang-tama nung i-wax ang buong katawan niya ng taga-Belo Medical staff ay lumitaw ang tunay niyang kutis.

    "Oo nga, unti-unti nang tumutubo ang mga buhok ko sa binti, ang problema ko ay ‘tong buhok ko sa kili-kili, hindi pa tumutubo, hindi ako sanay ng walang buhok sa kili-kili," katwiran niya.