John Prats: Idinenay ni Maja Salvador na naging mag-on sila
By: Joey Diego   From: Moviestar
[February 14, 2006]


    Para kay John Prats, mas gusto niyang huwag magsalita tungkol sa cool-off period nila ni Maja Salvador since idini-deny naman ng huli ang relasyon nila na umabot sa two months. Sa harap mismo namin ay umamin ang dalawa noong nakaraang December 22 na sila na kaya nagtaka kami kung bakit may lumabas na kesyo binasted ni Maja si John na malaking kasinungalingan para sa amin. Hindi namin kayang tanggapin ang rason na kesyo dahil sa loveteam nina Maja at John Wayne Sace na binubuo ngayon ng Dos. Ano ngayon kung i-push ang loveteam nila, bakit kailangang lumabas na kontrabida si John. Ano ang reaksyon niya sa mga naglalabasang balita?

    “Ayaw ko sanang magsalita about this. Useless na kasing magsalita pa ako dahil may usapan na kami ni Maja at naiintindihan kong mahirap ito para sa kanya. Mas mabuting hindi sa akin manggaling kasi pangit na ako ang lalake at ako pa ang magsasalita.

    “ Kung ano ang gusto nilang palabasin, okay na sa akin ‘yun! Basta for me alam namin ang dahilan at para sa akin, okay na rin ‘yung ganito. Ayokong may taong naiipit sa sitwasyon, ayoko ng magulong relasyon kaya we better end up this way.”

    Pagkatapos niya itong aminin sa amin ay idinenay naman ni Maja na naging sila?

    “It’s up to her,okay lang. Basta kung ano ang sinabi ko sa inyo, pinaninindigan ko ‘yun at kung i-deny man niya ako, kayo na ang bahalang mag-judge, hindi ko na hawak ang utak at damdamin ni Maja. Kayo na ang bahalang humusga!” tila naiipit sa sitwasyong sabi ni John.

Kumusta naman siya ngayon?

    “Okay naman ako, walang nagbago sa akin at madali kong tinanggap sa sarili ko ang lahat. Kailangan lang talagang magsakripisyo para sa kapakanan ng iba. Hindi naman kasi ako makasarili kaya naintindihan ko ang sitwasyon. Sabi ko nga, ayokong may taong nasasaktan at naiipit dahil sa akin kaya mas mabuti na ‘yung ganito.

    “Masaya naman ako dahil maganda ang nangyayari sa akin. Siguro nga,mas magandang dito ko na lang i-focus ang sarili ko. Sa mga pinagdaanan ko sa buhay,okay pa rin naman ako at charge to experience itong nangyari sa amin ni Maja,” paliwanag pa ng binata sa amin.

    Bilang nakatatandang kapatid, kinunan namin ng pahayag si John hinggil sa ginawang pagpapa-sexy ni Camille sa FHM.

    “Nagulat ako nang pumayag ang daddy kong magpa-sexy si Camille. May purpose ang pagpapa-sexy niya at hindi bastos ang dating nito kaya okay lang.”

    “As a brother, okay lang naman sa akin ‘yung ganung move. Anyway, she’s 20 na naman at sa tingin ko she can carry herself. Lahat naman ng mga desisyon na ginagawa niya ay sinusuportahan ko. Ganu’n din naman kasi siya sa akin.

    “Nakita ko naman ‘yung mga pictures and I find it nice. Hindi naman bastos, wholesome pa rin si Camille kasi andu’n pa rin ‘yung innocent looks sa aura niya. I’m proud pa nga dahil nagawa niya ‘yun at maganda namang lumabas,” say pa ni John.

    Kung nagawa ni Camille ‘yun, pwede rin ba siyang magsuot ng underwear lang sa pictorial since part siya ng Bench Family na posibleng in the near future ay maging model din siya ng underwear nila?

    “Hindi ko pa alam. Hindi ko masabi sa ngayon pero open naman ako sa ganung idea. Depende lang siguro kung paano kukunan. Siguro masasagot ko lang ‘yan kapag andyan na. Ayokong magsalita ng tapos,” paniniguro pa ni John sa kanyang sinabi.