John Prats, maligaya sa bagong gf
By: Jun Lalin From: Abante Tonite
[December 04, 2006]


    Sa presscon ng Super Noypi, tsinika-tsika namin si John Prats tungkol sa role niya bilang aswang sa pelikula.

    "Okey naman. Pero ang hirap. Kapag may shooting kami ng Super Noypi, palaging una ng four hours ang call time ko sa ibang cast member dahil ganoon katagal ang prosthetics na inilalagay sa akin.

    "Hirap din ako dahil ako mismo ang gumawa ng stunts ko sa pelikula," sabi ng binata.

    Tungkol sa kanyang lovelife, masaya raw siya ngayon dahil magti-three months na sila ng girlfriend niyang anak ni Frankie Lim, si Miakka.

    Teka! Anak ng dating basketball player ang girlfriend niya, hindi kaya mas matangkad pa sa kanya ang dalaga?

    "Mas malaki naman ako nang konti. Hehehe. Pero okey kaming dalawa. Naging magkaibigan kasi muna kami bago ko siya niligawan.

    "Bago niya ako sinagot noong September 8, naging mag-M.U. (mutual understanding) muna kami.

    "Basta happy ako sa with my new girlfriend!" pahayag niya.

    Tungkol sa kanila noon ni Maja Salvador, quiet na raw siya dahil na-deny na siya.

"Tapos na ‘yon, hayaan na natin!" sey pa ni John.

    Oo nga pala, pagkakita sa amin ni John sa presscon ng Super Noypi ay niyakap niya kami nang mahigpit at wala kaming naamoy na kakaiba sa kanya, kaya hindi kami naniniwala sa tsismis na matindi ang body odor ng binata!