John says, he has no regrets over breakup with Nancy
By: R. Agilada   From: Tempo
[May 2006]


    Career muna ang focus ngayon ni John Prats at sinet-aside na muna niya ang kanyang lovelife. No regrets siya sa naudlot na papaganda na sanang relasyon nila ni Nancy Castiglione. “We’re both busy sa aming respective careers at hindi ko talaga siya mabibigyan ng 100 percent attention. But we’re still friends at nagte-text pa rin kami sa isa’t isa. Wala talagang time magkita kami,” ani John sa Tempo noong presscon ng “Manay Po.”

    He has three regular TV shows, "Bituing Walang Ningning," "ASAP" at isang show sa Studio 23. Magka-karoon pa siya ng another show sa ABS-CBN wherein maka-kasama niya sina Keana Reeves at Zanjoe Marudo sa isang sitcom. Pinaghahan-daan din ni John ang gaganapin niyang dance concert sa Aliw Theater sometime in July this year. Kasama rin siya sa gaganaping Bench Underwear Fashion Show sa Araneta Coliseum next month.

    Nali-link din si John kay Say Alonso. Pero aniya, wala ’yun! Nag-kakasama lang daw sila sa mga karaketan (as in shows) dahil pareho silang ex-PBB house-mates. Nakakasama rin nila si Toni Gonzaga at gusto nga raw niyang ma-link sa dalaga dahil magka-edad lang sila. Say is much older than he is at parang ate na lang daw niya ito.

    Five hundred thou-sand pesos ang napana-lunan ni John sa PBB Celebrity Edition at nag-donate siya ng R100,000 sa church nila sa Cainta, ang Holy Trinity church. If ever daw na magkakaroon uli ng PBBC edition, hindi na siya magdyo-join sa hirap na dinanas niya noong nasa loob siya ng PBB house.

    Gay role si John sa "Manay Po" and hopefully last time na raw ito. First gay role niya sa "Ako Legal Wife" at iniiwasan niyang ma-type cast sa gay role. " I cannot ima-gine myself na naki-kipag-kissing scene sa kapwa ko lalake. Hindi pa ako handa ngayon," ani John.