Kanang braso ni John Pratts, lumaki dahil sa pagpapaligaya sa sarili!
By: Ruel Mendoza   From: Abante
[May 02, 2006]


    Katatapos lang ng shooting ni John Prats ng Manay Po, heto at may sisimulan na agad siyang bagong pelikula sa Regal Films. Nagsimula na rin siyang mag-taping para sa teleserye ng ABS-CBN 2 na Bituing Walang Ningning.

    Inamin ni John na sa sobrang busy niya ngayon, nakakalimutan na niya ang mga personal na pangangailangan niya tulad ng pakikipag-sex. Huli nga raw siyang nakipag-sex ay bago pa siya pumasok sa Pinoy Big Brother.

    Mahigit na isang buwan na raw iyon kaya nagtataka siya kung paano siya nakatagal nang walang katalik.

    "Sa sobrang busy ko rin naman kasi, nakakalimutan ko na ‘yun. Pag-uwi ko nga, bagsak kaagad ako sa kama sa sobrang pagod.

    "Paminsan-minsan naiisip ko rin ang sex pero kapag iniisip ko na mapapagod lang ako nang husto, okey na ‘yung ginagawa ko sa ngayon. Wala pang preparasyon na gagawin. Basta diretso na roon, tapos na! Ha! Ha! Ha! Ha!" malakas na tawa ni John.

    Ang pinaka-sexual outlet na nga lang daw ni John ay ang tinatawag na self-sex or sariling sikap. Imposible raw kasing makipag-schedule pa si John sa nakasanayan na niyang maka-sex at hindi naman daw niya type ang pumatol na lang sa kung sinu-sinong girl. Kaya pinaka-safe way ang pagpapaligaya ng sarili.

    "Nagbibiruan nga kami minsan ni Luis (Alandy). Sinabi niya na ano kaya ang feeling ng isang lalake na pinag-aagawan ng maraming babae? Nakakapagod naman daw ‘yung kaliwa’t kanan ang babae. Ngayon ang biruan namin ay kung ano ba ang mas okey gamitin, kaliwa o kanan na kamay! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

    "Marami nga ang nakapansin na lumaki na raw ang kanan kong braso. Hindi raw pantay sa kaliwa kaya dapat sanayin ko rin ang kaliwa! Ha! Ha! Ha! Ha!" malulutong na halakhak ni John.

    Secret na lang daw ni John kung kelan siya ulit makikipag-sex ng normal. Tiyak daw na susulitin niya ang bawat minuto sa pakikipagtalik dahil matagal-tagal din daw na ang sarili niya ang nagpaligaya sa kanya.

    "Basta kapag nalibre ako, humanda ang sinumang babaeng mayayaya ko! Ha! Ha! Ha! Ha!

    "Jingle lang ang magiging pahinga naming dalawa! Ha! Ha! Ha! Ha!" humahalakhak na say na lang ni John.