Katrina Halili at John Prats nagkakamabutihan?
By: Vinia Vivar   From: People's Tonight
[October 10, 2006]


    A little birdie told us na tila nagkakamabutihan sina Katrina Halili at John Prats. Magkasama sila sa pelikulang Super Noypi at diumano, dito nagsimula ang pagiging close ng mga ito.

    Medyo nag-iingat daw ang dalawa, kaya hindi masyadong nagpapahalata, pero ang hindi nila alam, may mga tao na rin sa set na nakapapansin ng mga kilos nila. Madalas daw magkausap ang dalawa nang sila lang at tila nagliligawan.

    Well, kung totoo man, wala namang masama, dahil pareho naman yata silang walang commitment sa ngayon at parehong nasa stage na naghahanap ng right man o woman.

    Ewan lang kung ididenay ito nina Katrina at John.