Katrina At John, Nagki-Kiss Off Cam
By: Emy Abuan-Bautista   From: Ang Pilipino STAR Ngayon
[October 16, 2006]


    Hindi man aminin na may namumuong relasyon kina Katrina Halili at John Prats ay kitang-kita ang glow sa mga mata ng seksing aktres kapag pinag-uusapan ang aktor na kasama nito sa Super Noypi.

    Inspirado ngayon sa trabaho si Katrina dahil may bagong pag-ibig. Inamin naman nito na di pa nanliligaw si John pero sakaling manligaw ay may tsansa naman ito sa aktres ayon sa mga kaibigang writers. Pareho namang loveless ang dalawa at may nagtsika na kasama sa Super Noypi na may pagkakataong nagki-kiss ang dalawa off cam.