Heart, John Prats nagsiping sa kama
By: Ambet Nabus From: People's Taliba
[February 01, 2007]


    At dahil naging mabuti naman ang relationship nila dati at kahit medyo matagal na rin silang hindi nagkikita, very good friends pa rin ang turingan nina John Prats at Heart Evangelista.

    Yes, kasama rin sa special Valentine treat ng ABS-CBN sina John at Heart sa isang maromansang kuwento sa Your Song.

    “Medyo nakakapanibago kasi ang tagal na kayang hindi kami nagkakausap o nagkikita man lang. Pero nung unang beses na kaming magkita uli sa taping ng Your Song, love scene agad ang kinunan. As in, kissing scene na may yakapan. Nakakabaliw di ba?” ang tsika ni John, na gaya ni Heart ay kuntento at masaya sa kanyang buhay pag-ibig.

    “Ganun naman ata. For as long as maganda naman ang naging samahan ninyo, walang feeling na niloko o nanloko, kahit siguro may mga asawa na kayo, komportable pa rin kayo sa isa’t isa.

    “I’m happy na muli kaming nagkatrabaho as love-team ni Heart kahit sa isang episode lang ng Your Song. Maganda ang kuwento at ibang level na yung kilig,” dagdag pa ng binata. Well, mukhang friends in love are in the air this Valentines?