John: Camille fashionistang buntis
By: --- From: People's Tonite
[November 29, 2007]

    Sa Amerika magpa-pasko ang pamilya Prats, kaya gustuhin man niya’y hindi makadadalo si John Prats sa Parade of Stars ng Metro Manila filmfest sa Dec. 24.

    Kasama si John sa Christmas Tree episode ng Shake, Rattle and Roll 9 ng Regal Entertainment at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakasama siya sa naturang horror film franchise ni Mother Lily Monteverde

    Nanghihinayang man, super excited naman si John sa nalalapit na panganganak ng nakababatang kapatid na si Camille sa January 2008.

    Tsika niya sa launching ng sariling scent, Motion from Scent Station, nu’ng isang gabi, constant ang communication nila ni Camille.

    Updated siya sa happenings ng kapatid, pati na sa pagiging fashionistang buntis nito.

    Ayon sa young actor, enjoy na enjoy si Camille sa malamig na weather sa Tate, kaya naman kung pumorma at mag-shopping ay ganu’n na lamang.

    Bukod sa parents nila, doon na rin daw nag-i-stay ang “asawa” ng aktres.

    Ngayon pa lang, may inuungot nang regalo si Camille sa kanya para sa baby. Ipinakita pa raw ito sa kanya via the webcam.

    Isa itong stroller/car seat na nagkakahalaga ng $400.

    Nu’ng una’y gusto sanang umapela ni John sa presyo, pero napag-isip-isip na what’s $400 kung para sa pinakamamahal namang pamangkin?

    Ang tanging regret daw niya’y hindi makapaghihintay ng panganganak ni Camille dahil pagkatapos ng Pasko’y babalik na ng ’Pinas para sa mga commitment dito.