John at Heart, reunited!
By: Nitz Miralles   From: People's Tonight
[January 01, 2007]


    Nag-taping ng Valentine’s Day presentation ng Your Song ang ex-couple na sina Heart Evangelista at John Prats.

    Reunited ang title ng episode na, kundi kami nagkakamali’y, i-e-ere sa February 11, 2007. Birthday presentation din nila ito’t sabay ang birthday nila sa Feb. 14.

    Wala raw ilangang nangyari sa dalawa sa taping sa muli nilang pagtatrabaho, kaya maayos na natapos ang taping.

    Sabagay, may kanya-kanya na silang buhay at may bago nang pag-ibig. Si Heart may Jericho Rosales at si John ay may Miakka Lim na ipinagmamalaki dahil very proud sa kanya.

    Magiging busy ang year 2007 ni John dahil baka mapadali ang paggawa nila ni Mark Herras ng dance movie sa Regal dahil sa success ng Super Noypi.

    Iri-release na rin ang dance album niya mula sa Galaxy Universal at kasunod nito, matutuloy na ang kanyang dance concert.