John aalis patungong America
By: Remy Umerez   From: Pilipino STAR Ngayon
[April 08, 2007]


    May dance concert na magaganap sa Araneta Coliseum sa July at ang tampok ay walang iba kundi si John Prats.

    I dont sing kaya dance concept ang aming naisip gawin. I believe this would be the first time na may ganitong uri ng show na mapapanood at excited kaming lahat. Aanyayahan naming mag-participate ang mga dance groups sa ibat ibang colleges and universities.

    Aalis si John patungong America to research and learn about new dances. Di nga naman puwedeng hip hop lang ang kanyang ipamalas sa publiko. Isang linggo din siyang mawawala.