John admits he’s courting Shaina, who likes him, too
By: Rowena Agilada   From: Tempo
[November 2007]

    Shaina Magdayao turned 18 last November 6, pero wala siyang debut party. Instead ay umalis siya papuntang Japan with her daddy and niece Francesca para doon i-celebrate ang kanyang birthday. She’ll be away for one week dahil hindi siya pinayagan ng ABS-CBN na magtagal sa Japan.

    It was earlier reported na baka sumunod doon si John Prats, pero mariing itinanggi ito ng aktor. May trabaho raw siya at magte-taping na siya next week ng bago niyang show sa ABS-CBN kung saan kasama niya sina Zanjoe Marudo at Jason Gainza na nakatrabaho niya sa "Aalog-Alog."

    Inamin ni John na three months na siyang nanliligaw kay Shaina.He visits her sa house at most welcome naman siya sa pamilya ni Shaina ( parents at mga kapatid).

    Never pa silang nag-date ni Shaina na silang dalawa lang kahit 18 years old na ito. Sumasama lang ang dalaga kapag group date na kasama ang kanilang common friends.

    Wala pang birthday gift si John kay Shaina at pagbalik na nito mula Japan ay saka niya ito bibigyan. Pero nauna na niyang bigyan ito ng fashion ring na siyempre raw, iba pa ‘yung birthday gift niya sa dalaga.

    John stressed na kahit nililigawan niya si Shaina, wala siyang intensiyong sirain ang love team nito at ni Rayver Cruz. Iba naman daw ‘yun sa personal na buhay nila ni Shaina.