Mag-utol na Camille at John, iritang-irita sa BF ni Toni!
By: Ogie Diaz   From: Journal Online
[enter date here.]


    Hindi na maitago ni John Prats ang iritasyon sa boyfriend ni Toni Gonzaga nu’ng makausap namin sa telepono ang young actor.

    Hindi nagustuhan ni John ’yung itineks na sagot ni Direk Paul Soriano sa Entertainment Live! na he has nothing to do with Camille (Prats), kaya “no comment” siya sa isyung siya ang ama ng dinadala nito.

    “Bakit ka magnu-no comment? Eh, ’di sabihin mo, hindi ikaw ang ama, mahirap bang sabihin ’yon?”

    Galit nga si John. Oo nga naman, hindi naman mahirap sabihin ’yung “it’s not true.” Alam n’yo naman ’pag “no comment” ang sagot, pinagdududahan na ng mga tao na baka nga totoo.

    “Eh, hindi nga siya, eh. Kilala ko ang ama ng dinadala ng kapatid ko, okay? Hindi siya. At thank God na hindi siya.”

    Pero nagkaroon ba talaga ng relasyon sina Direk Paul at Camille? “Hindi. Wala. Nanliligaw pa lang siya noon sa kapatid ko. Pero tama ba naman ’yon na hindi ka na nagpakita? Ano’ng klaseng lalaki ’yan, iniwan sa ere ang kapatid ko?”

    Ah, gano’n ba? Eh, ba’t nagnu-no comment pa ito?

    “Kaya nga, eh. Napanood ’yon ni Camille sa States at iritang-irita rin sa kanya. Ayoko lang ma-stress ang kapatid ko, kaya ako na ang sumasagot, eh.

    “Wala rin ang mommy at daddy ko rito, kaya ako ang tumatayong magulang ng mga kapatid ko. Saka I hope you understand my situation. Kuya ako, eh. Ipinagtatanggol ko lang ang kapatid ko. Kaya sana, next time na tanungin siya kung black or white o kaya ay left or right, mamimili lang siya sa dalawa. Hindi puwedeng no comment ang sagot. Malabo ’yon. Maawa siya sa kapatid ko, buntis pa naman!”

* * *


    Kami na po ang nagsasabi, hindi si Direk Paul Soriano, na boyfriend ni Toni, ang ama ng dinadala ni Camille.

    Na-meet na po namin ang boyfriend ni Camille. Isang simpleng lalaki na kahit sa sandaling panahon lang namin nakilala ay talagang naramdaman naming mahal na mahal si Camille.

    Nandu’n na kami, hindi showbiz si Direk Paul, kaya hindi niya alam ang kahulugan ng “no comment” sa showbiz. Maraming ibig sabihin ’yan. Puwedeng iniiwasan mo ang tanong o ’di kaya ay may bahid ng katotohanan ang isyung ikinakapit sa ’yo.

    Normal din lang ang naging reaksiyon ni John, dahil iba ang naging dating sa kanya ng sagot ni Direk Paul. Saka, unfair naman kay Anthony, ang non-showbiz boyfriend ni Camille, na ano na lang ang sasabihin ng partido nito?

    Na kung kani-kanino pala na-link si Camille bago dumating sa buhay nito si Anthony?

    Kaya sana, magkaroon ng chance si Direk Paul na linawin ang isyu once and for all, para na rin sa ikapapanatag ng loob ng girlfriend niyang si Toni at ang conservative na nanay at tatay ng kanyang girlfriend.