John, ’di nanliligaw kay Shaina
By: Ogie Diaz   From: Journal Online
[October 08, 2007]


    Oo, inaamin ni John Prats na minsan silang nagkita ni Vina Morales nu’ng dalawin niya ang kapatid nitong si Shaina Magdayao sa bahay.

    Pero nanliligaw nga ba siya?

    “Hindi ko masabing nanliligaw ako, Tito Ogs, eh. Kasi, mas gusto ko pa rin ’yung naggu-grow ang friendship namin, tapos, hindi n’yo namamalayan, kayo na pala, alam mo ’yon?

    “Ayoko ring i-consider na panliligaw ’yon, ’coz ayokong mag-expect kami sa isa’t isa na nanligaw ako, kailangan, makuha ko ’yung sagot niya.

    “Parang maku-conscious ka na, kasi, alam nu’ng girl na, ‘Ay, nanliligaw pala si John. Eh, siyempre, gagawin nito ang lahat kahit ano ma-please lang ako.’

    “Ayoko ng gano’n. Kaya kami nagkakasundo ni Shaina, dahil ine-enjoy lang namin ang company ng isa’t isa sa ngayon.

    “Saka lately lang ako dumalaw kay Shaina. And I’m proud to say na hindi kung saan-saan ko dinadala o mini-meet si Shaina. At least, sa bahay nila.”

    Paano na si Rayver Cruz?

    “Saka ’yun nga, Tito Ogs, eh. Kung nanliligaw si Rayver kay Shaina, okay lang. Kung meron silang loveteam to protect, I’m here to support them.

    “Basta ako, hindi ako nanliligaw. Masaya ako sa itinatakbo ng friendship namin. Kung maramdaman namin na we’re really meant for each other, kahit hindi n’yo siguro ako kulitin, ako na mismo ang magpapainterbyu kung kami na.”

    In love ba siya kay Shaina?

    “Sino ba naman ang hindi mai-in love kay Shaina, ’di ba? Ang gandang bata, ang bait pa. Kaya hindi n’yo maintindihan ngayon, kasi, ako ang nakararamdam na kuntento na ’ko, happy na ’ko na nakikita ko lang siya, nakakausap ko siya.

    “And I’m sure, kung hindi niya ’ko gustong maging kaibigan, hindi naman siguro ’yan makikipag-usap sa akin at hindi na ’ko tatanggapin sa bahay nila.”

    So, hindi pa ba panliligaw ’yon?

    “Kung manliligaw ako, sasabihin ko kay Shaina na liligawan ko siya. Kaso, hindi pa ngayon. Hayaan n’yo munang i-enjoy ko ang friendship namin,” sey pa ni John, na naintindihan namin ang punto.

    Bakit ka pa nga magpapaalam na manliligaw kung alam mong baka makasira o makaudlot pa ’yon sa ganda ng takbo ng friendship na patungo sa isang “malalim” na relasyon?