John, di nasaktan sa pag-rate ni Shaina sa kanya
By: Rey Pumaloy   From: Abante Tonite
[December 02, 2007]

    Kuwento ni John Prats, pinagsisihan ni Shaina Magdayao ang ginawa nitong pagri-rate sa kanila ni Rayver Cruz. Tinanong kasi ng entertainment press si Shaina kung sino ang mas matimbang sa kanya, si John o si Rayver.

    At sagot ni Shaina, 8.9 % si Rayver sa kanya, at 7.8 % lang si John. Kumbaga, mas malapit si Rayver sa kanya kesa kay John.

    Pero, sabi nga ni John, nung magkita sila ni Shaina ay sinabi nito na pinagsisisihan niya ang pagri-rate na ginawa niya sa kanila ni Rayver.

    "That’s why, hindi ako na-hurt. Nag-explain naman siya sa akin. Ako kasi, ang paniniwala ko riyan, if you like someone, huwag kang susuko. If ever na hindi kayo magkatuluyan, at least you do your best," say ni John.

    Sa tingin ni John, malakas ang laban niya kay Rayver, kung pag-ibig ni Shaina ang pag-uusapan. Madalas daw silang mag-usap ni Shaina.

    "Nung nasa Australia ako, at nagsu-shooting naman siya ng "Bahay Kubo", hindi talaga naputol ang communication namin. Sa akin magandang foundation ‘yon."

    Nilinaw rin ni John na hindi niya sinisira ang love team nina Shaina at Rayver. Wala raw kinalaman sa propesyon ang ginagawa niyang panliligaw kay Shaina.

    "As much as possible, ayokong magsama kami ni Shaina sa trabaho. We have our own career."

    Tinawanan lang ni John ang tsismis na apat na buwan na silang mag-on ni Shaina.

    "Hindi consistent `yung nagsulat noon, eh. Nung una niyang sinulat, sabi niya 4-months na kami ni Shaina. Tapos sinulat niya ulit ngayon, 4-months daw kami. Hindi na natapos sa 4-months.

    "Ang totoo, 2-months na akong nanliligaw kay Shaina."

    Anyway, proud si John dahil siya ang unang celebrity endorser ng pabangong "Scent Station".

    Ang pagiging malinis na image ni John ang dahilan kung bakit siya ang kinuhang endorser nito. Ang "Motion by John Prats" ay mabibili sa lahat ng SM Malls at Robinsons.