John excited nang manganak si Camille
By: Veronica R. Samio   From: Philippine Star
[November 08, 2007]

    Kung may tuwang-tuwa sa pagbubuntis ni Camille Prats, ito ay walang iba kundi ang kapatid niyang si John. Ang isisilang kasi ng kapatid ang magiging kauna-unahang pamangkin sa pamilya nila.

    “Maski nga si Camille ay sobrang excited kaya kahit seven months pa lamang siya ay gustung-gusto na niyang manganak. Lalo’t nalaman nila ng ama ng kanyang magiging baby na lalaki ang magiging panganay nila,” imporma ni John.

    Ang buong pamilya ni John ay sa US magpa-Pasko para may makasama si Camille.

    “Sila mommy maiiwan pa hanggang sa New Year pero, ako kailangang umuwi na dahil may mga commitments pa ako rito,” dagdag pa ng batang aktor who will also be having a happier Christmas dahil kay Shaina Magdayao.

    “Hindi pa naman kami but, I feel na mag-MU na kami,” pagmamalaki niya.

    “Never ko naman plinanong ligawan siya. It just happened. All of a sudden basta naramdaman ko na lang na gusto ko siya. Sana gusto niya rin ako,” dagdag pa rin ni John na madalas nali-link sa mga babaeng mas matanda kaysa sa kanya. Una si Keanna Reeves, naging friend niya sa Bahay Ni Kuya. At si Aiai delas Alas na parang mommy niya kung ituring niya.

    “Natatawa nga si Aiai nang matsismis kami sa motel. Sabi nga niya, di magkakasya sa parking ng motel yung Suburban niya (sasakyan ni Aiai),” naalala ni John.

    “Gusto ko talagang kaibigan yung mas may edad sa akin. I learn a lot from them,” sabi niya.

    May movie si John sa Regal, ang Shake Rattle & Roll 9. Kasama siya sa "Christmas Tree" episode with Boots Anson Roa, John Lapus, Nash Aguas, Gina Alajar, Tonton Gutierrez, Sophia Baars at Lovi Poe. Direktor si Paul Daza.

    The other two episodes are "Bangungot" at "Engkanto" na idinidirek nina Michael Tuviera at Toppel Lee.