John at Shaina hiwalay sa Pasko
By: Veronica R. Samio From: Pilipino Star Ngayon
[November 29, 2007]

    Alam n'yo bang may ini-endorsong pabangon si John Prats na hindi lamang napakabango, pwede pa rin sa babae? Ito ang Motion, signature frag­rance from Scent Station.

    Huwag n'yong ipag­kamali na pang lalaki lahat ng pabango ng Scent Station. Sa ma­higit na 50 variants na inilabas nila, lahat nito ay puwede sa babae at lalaki (unisex).

    Si John ang kauna-unahang endorser ng Scent Station. At hindi lamang siya endorser, parang ka-pamilya na siya at sa kanilang layu­ning mapalawak ang kanilang market, isang ideal endorser si John na unti-unti ay nagma-mature na, hindi lamang roles na kanyang ginagawa kundi maging sa kanyang personal na buhay.

    Excited siya sa Paskong darating dahil magka­kasama-sama silang buong pamilya. Lahat sila ay pupunta ng US specifically sa Las Vegas, para maka­piling si Camille (Prats). Gusto sana ni John na hintayin nang makapanganak ang kapatid sa Enero bago umuwi pero hindi ipinahihintulot ng kanyang schedule na manatili ng mas mahigit sa isang buwan na ilalagi niya run.

    Inamin ni John na mami-miss niya si Shaina Magdayao, hindi pa niya girlfriend pero malapit nang umabot ang relasyon nila rito.

    Nanghihinayang din siya na hindi siya makaka­pag-promote ng Shake Rattle & Roll na kung saan ay kasama siya sa Christmas Tree episode.

    Magsusugal ba siya sa Las Vegas?

    "Ayaw kong magpakawala ng pera. Mahirap yatang kumita," katwiran niya.