John nasasaktan sa sinasabing sinisira niya ang loveteam nina Shaina at Rayver
By: Nitz Miralles   From: People's Tonight
[November 06, 2007]


    Ginanap ang pictorial ng cast ng three episodes ng Shake, Rattle & Roll 9 sa Regal Valencia last Sunday.

    ’Katuwang tingnan na magkakasama ang talents ng ABS-CBN at GMA-7 at parang hindi sila affected sa network war.

    Magkasama sa Christmas Tree episode sina Lovi Poe at John Prats at malabo silang ma-link dahil mag-tiyo ang role nila sa episode sa direksyon ni Paul Daza.

    First horror movie ito ng actor at fan pa siya ng SR&R series, kaya no second thoughts sa pagtanggap sa project.

    Hindi pa tapos ang shooting ng nasabing episode, kaya maiintindihan ng Regal kung mas marami kaming tanong tungkol kay Shaina Magdayao.

    Itinanggi ni John na susunod siya sa Japan dahil nirerespeto niyang ang pamilya ang gustong makasama nito’t marami rin siyang trabaho rito.

    Two months pa lang siyang nanliligaw dito, hindi pa sila at wala silang identical rings and wristwatches at fashion ring pa lang ang naibibigay niya kay Shaina.

    “’Pag naging kami, hindi namin idi-deny,” pangako ni John.

    Nahe-hurt siya sa sinasabing sinisira niya ang loveteam nina Shaina at Rayver Cruz at ginagamit niya ang dalawa for publicity purposes.

    Ang dalawa pa rin daw ang magka-loveteam at alam niyang tuloy pa rin ang panliligaw ng young actor.

    Heto ang sagot ni John sa tanong kung bakit niya niligawan si Shaina: “Nagulat din ako, ’di ko ini-expect na magugustuhan ko siya. Kilala ko siya since she was young dahil friend siya ni Camille (Prats). Never kong in-imagine na maa-attract ako sa kanya, hindi ko plinano at nangyari na lang.”