John Prats and PBB housemate Robert Woods, separated at birth?
By: Melba Llanera   From: Philippine Entertainment Portal
[March 14, 2007]


    John wants to meet Robert when he gets out of Bahay ni Kuya.

    "Sabi ko nga sa Tatay ko, baka may anak siya sa labas!" ito ang natatawang sabi ni John Prats nang hingan siya mg reaksiyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa malaking pagkakahawig nila ni Robert Woods, isa sa housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 2.

    Height lang siguro ang ipinagkaiba dahil 5'10" si Robert while John is only 5'6". But according to John, nang makapanayam namin siya sa dressing room ng ASAP '07 last Sunday, mas kamukha ng kapatid niyang si Carlo si Robert kaysa sa kanya.

    Kuwento ni John, "Actually, si Toni [Gonzaga, host ng PBB], siya ang unang tumawag sa akin papasok pa lang si Robert [sa Bahay ni Kuya]. Tawa siya nang tawa. Pero sabi niya, hindi ko raw masyadong kamukha [si Robert], mas kahawig daw ng brother ko na si Carlo. Kamukhang-kamukha raw niya.

    "Nung nakita ko nga si Robert sa TV, sabi ko kay Carlo kamukhang-kamukha niya. Sabi niya, ‘Oo nga.' Kasi, di ba, ‘pag alam mong kamukha mo, may makikita ka talagang pagkakahawig ninyo? Nakikita ko sa kanya si Carlo—yung shape ng face, yung jaw, yung labi," paglalarawan pa ni John.

    Sinabi ni John na gusto niyang makita nang personal si Robert at payag din siya na makatrabaho ito, pero sa isang kundisyon: "Basta kuya ko siya kasi mas matangkad siya sa akin!"

    Dagdag pa niya, "Gusto ko rin siyang ma-meet, walang kaso yun. Saka we have something in common." Gaya ni Robert ay nakapasok na rin si John sa loob ng Bahay ni Kuya nang mapabilang siya sa PBB Celebrity Edition, kung saan naging 2nd placer siya.

    Kung si John ay unang na-identified kay Aga Muhlach dahil sa malaking pagkakahawig nila, hindi rin maiiwasan na ma-identify si Robert bilang John Prats-lookalike naman. Sinasabi na mahirap makagawa ng sariling pagkakakilanlan sa showbiz ‘pag may kahawig ka. Ganunpaman, John wishes that Robert will have his own identity and name in show business someday.

    "Di ba, dati sinasabi nila kamukha ako ni Aga? So ako, pina-package ako sa kanya. E, feel na feel ko naman kasi siyempre Aga Muhlach yun! Pero binago ko yun because may sarili naman akong view where to go. Sana kay Robert, 'wag mangyari yun. Sana he'll have his own identity," wish pa ni John kay Robert.

    Samantala, minsan na ring na-link si John kay Maja Salvador, na sinasabing naging girlfriend pa nga raw ng young actor. Mismong si Carlo Aquino, na nanliligaw ngayon kay Maja, ang nagkumpirma ng nakaraan nina John at Maja.

    Ano naman ang reaksiyon ni John sa panliligaw ngayon ni Carlo kay Maja at hindi pagpapaalam sa kanya ni Carlo?

    "Okay lang naman yun," sabi ni John. "Wala namang kaso. I know Carlo naman na mabait na tao, walang masamang tinapay sa kanya. As long as they're happy, I'll be happy for them. Saka di naman needed talaga na magpaalam siya, I don't have the right naman."

    Isa pa, masaya si John ngayon sa piling ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Miakka Lim.

    "Ang saya kasi we have our own life outside this [showbiz] world. She's very supportive, very understanding, di siya nagseselos sa trabaho ko," nakangiting sabi ni John.

    If others really want to make it big in the business, John has a different perspective when it comes to his career.

    "Sa akin, stability lang. Yun lang naman ang gusto ko—to have a stable career. I don't dream naman na maging sikat na sikat, basta stable lang ang lahat," pagtatapos na niya.