John sa 'At Home Ka Dito'
By: Leo M. Bukas   From: People's Taliba
[January 05, 2007]


    Ngayong umpisa ng taon ay isang bagong New Year opener ang inihanda ng nag-iisang lifestyle reality show ng bayan, ang At Home Ka Dito kung saan guest ang magaling sumayaw na actor na si John Prats.

    Ang make-over request niya ay ipaayos ang kuwarto ng nakababatang kapatid. Abangan ang hi-tech decorating tandem nina Joross at Roxanne Guinoo kasama ang guest interior designer na si JR Victorio, dahil siguradong mamamangha kayo sa magiging bagong ‘techie loft’ look ng aayusin nilang kwarto. Siguradong lahat ng ba-gets sa inyong bahay gugustuhing ipagaya ito.

    Sasama naman si John kay Charlene para kilalanin ang isang skaterboy na may malungkot na kwento ng buhay. Dating mayaman ang pamilya nito pero sa kasamaang palad ay nalugi ang negosyo. Pansamantalang nalilimutan ng binata ang problema ng buhay kasama ng mga katropang mahilig sa pagi-skateboard.

    Sa loob ng isang mag-hapon, ‘di niya akalaing may gagawin sina Charlene at John na ikababago ng takbo ng buhay niya at ng kanyang pamilya.

    Sunud-sunod na naman ang nakaaantig ng damda-ming mga sorpresa.

    Ang At Home Ka Dito ay napapanood tuwing Linggo, 10:30 ng uma-ga sa ABS CBN.