John Prats finally admits courting Shaina Magdayao
By: Dinno Erece   From: Philippine Entertainment Portal
[November 5, 2007]


    Sinisigurado ni John Prats na hindi siya makakasunod kay Shaina Magdayao pag-alis nito papuntang Japan this Tuesday, November 6, in time for her birthday.

    In vacation ang family ni John sa Anilao, Batangas, for the long holiday. Umuwi lang si John sa Manila ng ilang oras ng Linggo, November 4, para sa pictorial ng kanyang festival entry this year, ang “Christmas Tree” episode ng Shake, Rattle & Roll 9 ng Regal Entertainment. After his shoot, bumalik na sa Anilao si John at Tuesday morning na ang uwi nila.

    Sa kuwentuhang vacation nagsimula ang pagtatanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay John tungkol sa kanila ni Shaina. Kahit kasi si Shaina na ang nagsasabing hindi sasama si John when she, her father, and her niece will fly to Japan this Tuesday—kung saan isi-celebrate ng young actress ang kanyang 18th birthday—may nagsusulat pa rin na susunod nga raw siya.

    “Alam mo, ang dami namin ngayong nababasa na napapa-‘huh?’ na lang kami [ni Shaina],” sabi ni John. “‘Tulad nito, na nagpaalam nga raw ako sa Star Cinema na magbabakasyon ako at sasabayan ko si Shaina. Ang naging paalam ko sa Star Cinema, itong Halloween week with my family sa Anilao.

    “Birthday niya [Shaina] ‘yon, let’s give it to her. Ayoko namang umepal. Saka, paano ako makakasunod sa kanya, magsisimula na kami nina Jason [Gainza] at Zanjoe [Marudo] next week ng taping ng bago naming show na Pare Koy? Makikita nila ako dito, sa Quezon City lang ang taping namin this Tuesday, Thursday, and Saturday.”

    Biro namin kay John, hindi kaya sa Japan gawin ang pilot episode?

    “Hindi, Aalog-Alog ‘yon!” sagot naman ni John.

    Since inamin na ni Shaina during her birthday presscon last week na nanliligaw nga sa kanya si John, ang young actor naman ang pinagsalita namin about this.

    “Never naman akong nag-deny,” diin ng young actor. “Kaya lang, ang isinusulat noon, kami na, which is not true. If ever kami, I will not deny, hindi ko ikakahiya. Never ko lang kasing ginagamit ang salitang panliligaw, hindi ako nasi-sincere-an sa term.”

    Hindi niya alam kung kailan at kung paano nagsimula na matipuhan niya si Shaina.

    “Nagulat din ako. Matagal ko na siyang kilala, kasama pa siya ni Camille [Prats, John’s sister], so I saw her grow up. Never kong plinano na ligawan siya, dumating na lang isang araw,” sabi ni John.

    Tungkol naman sa naisulat na may identical ring daw sila ni Shaina, sinabi ni John na binigyan niya lang ng isang fashion ring si Shaina, pero wala siya nito.

    “It’s just a fashion ring,” sambit ni John. “Kung engagement ring ‘yon, again, bakit ko naman ikakahihiyang isuot ko ang akin? Look, I’m not wearing one now.

    “Also for the record, never pa kaming nag-date na kaming dalawa lang. Every time na lumalabas kami, it’s always with a group. Nang nabalitang nag-dinner daw kami some place, that’s true, but we were with Nikki [Gil], Iya [Villania], and Joross [Gamboa] after ASAP. Magpa-practice kami nang sabay-sabay that afternoon for the Star Magic ball,” paglilinaw niya.

    May isa pang issue na ibinabato kay John regarding Shaina. Siya raw ang nagbabawal na magsuot ng high heels ang young actress kapag nagsasayaw silang apat nina Rayver Cruz at Maja Salvador sa ASAP.

    “Not true,” tanggi ni John. “I’m proud of my height. At never din akong nag-control ng isang babae. Siya talaga ang nagre-request na huwag mag-high heels kapag nagsasayaw, napakahirap naman talaga nun. Si Maja hindi rin naghi-heels, bakit siya hindi natatanong, siya ang partner ko?

    “Si Rayver pa rin ang ka-loveteam ni Shaina, hindi ko ito sisirain. The good thing about Star Magic, hindi rin sila nakikialam sa private affairs namin.”

    Ngayong aminado na siyang nanliligaw na nga siya kay Shaina, hindi niya rin daw idi-deny kapag naging sila na. “Ako ang magsasabi sa inyo,” paniniyak ni John.