John Prats and family to spend Holiday season with Camille in the U.S.
By: Alex Datu   From: Philippine Entertainment Portal
[December 4, 2007]

    This coming holiday season, John Prats and his family are scheduled to go to USA to spend Chistmas and New Year with his sister Camille Prats, who is now heavy with her first child.

    In an interview with the young actor at the presscon of Shake, Rattle & Roll 9 last Sunday, December 2, at Imperial Palace Suites in Quezon City, John compared his life and his family to a roller coaster ride—which goes up and down.

    "Like 'yong mga series of events sa aming family for this year, like my sister and everything... But you know, the good thing about this is nag-end ang year ng masaya 'cause we will be spending Christmas and New Year na kasama si Cams. So, ang saya ng ending nito," masayang pahayag ni John sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

    John was also asked kung paano naman ang nililigawan niya na si Shaina Magdayao kung sa Amerika siya mag-i-spend ng Christmas.

    "Well, hindi pa naman magugunaw ang mundo, e!" tawa niya. "Marami pa namang time that we can spend together. Siyempre, kahit naman papaano ay you will miss your friends and everyone, especially si Shaina. You know, the family thing, we understand each other, no question asked naman talaga ‘pag ganun."

    Totoo bang pinagbawalan siyang ligawan si Shaina?

    "Well, wala naman nangyaring ganyan kasi 'yong dad niya ay mabait, e. The last time na pumunta ako sa house niya was like...okay naman, e. You know, the family is great. Wala akong masasabi sa pamilya," pahayag ng binata.

    Samantala, ikinatuwa naman ni John na sa bakuran ng Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde ay nagagawang pagsamahin ang mga talents ng ABS-CBN at GMA-7, gaya na lamang sa Shake, Rattle & Roll 9. Maganda naman ang kinalabasan dahil naging very close siya sa ilang talents ng Kapuso network na nakatrabaho niya sa Regal.

    "From my experience, naging friend ko si Mark Herras [his co-star in Super Noypi] na lagi kaming kinu-compare before when it comes to dancing. Now, sobra kaming good friends. Sina Polo Ravales... So, alam mo, it's a great experience for me," sabi ni John.

    Ano kaya ang masasabi ni John sa naging pahayag ng co-Kapamilya talent niyang si Mariel Rodriguez na "baduy" ang GMA-7 habang nasa loob ng Pinoy Big Brother house ang TV host?

    "I don't know, but based on my experience, hindi naman kasi nakasama ko sila [GMA-7 talents]. Never naman na nag-cross sa mind ko na... Kumbaga, magkaibang station lang tayo but we're on the same business. 'Yon lang ang thinking ko and never naman ako nag-isip ng ganun," pagtatapos ni John.