John Prats nag-offer ng P1-M sa ebidensiyang nag-date sila ni Shaina
By: Nitz Miralles From: People's Tonight
[November 29, 2007]

Wala pang kumukol sa offer ni John Prats na magbibigay siya ng P1 million sa sinumang makapagpapakita ng ebindensyang nag-date silang dalawa lang ni Shaina Magdayao.

Always in a group daw ’pag sila’y lumalabas. Gustong linisin ng actor ang pangalan dahil nahihiya sa pamilya ng actress na laging mabait ’pag siya’y dumadalaw sa bahay.

Pati ang tsismis na sa condo unit ni Bea Alonzo sa Eastwood sila lihim na nagkikita ni Shaina ay itinanggi ni John

Sabi niya: “Close kami ni Bea, pero ’di pa ako nakapunta sa condo unit niya. Parang mali na sa ibang bahay kami mag-uusap, dahil sa bahay nina Shaina ako nanliligaw, ’yun ang gusto ng kanyang pamilya.”

Sa gagawing pag-o-offer ng P1 million para lang sa tsismis, pinatunayan ni John na mahal at seryoso siya kay Shaina.

Patunay din ito na marami siyang pera. Sabagay, maganda ang takbo ng career ng actor sa TV at movies, kasama siya sa Parekoy ng ABS-CBN for airing next year at isa sa mga bida ng Christmas Tree episode ng Shake, Rattle & Roll 9.

Tripleng excitement din sa kanya na malapit na siyang maging tito, dahil isisilang ni Camille Prats ang baby nila ni Anthony Linsangan sa third week o last week ng January next year.

In fact, aalis si John sa December 16 para dalawin si Camille sa Los Angeles at du’n sila sa Pasko at Bagong Taon. Hindi lang nito mahihintay manganak ang kapatid, dahil kailangang bumalik siya rito sa Jan. 8, 2008.

“Ang daming magagandang nangyari sa buhay ko this year at dumating pa ang Motion, signature fragrance ko from Scent Station. Pero mas lalo akong sasaya kung maging kami na ni Shaina. Dream kong sana’y maging steady kami,” wish ni John.

Samantala, kailangan bang sagutin ni Dennis Trillo ang hirit ni John at ng may-ari ng Scent Station na nauna silang nagka-idea na magkaroon ng line of cologne ang actor?

Inspired daw ni David Beckham ang Motion at nagulat sila nang may lumabas na cologne si Dennis.