John Prats sure nang iiwanan sa Pasko si Shaina
By: Mell T. Navarro From: People's Taliba
[December 15, 2007]

Kumpirmado na ang pag-alis sa bansa ni John Prats at sa Amerika ito magpa-Pasko at Bagong Taon, para makapiling ang kanyang pamilyang nandun na, kasama ang buntis niyang kapatid na si Camille Prats.

Sinabi ni John na sa totoo lang daw, grabe ang pinagdaanang pagsubok ng pamilya niya this year, particular na ang kanyang dear sister na nabuntis nga’t nawalan na ng career, kaya it’s time to be with her daw sa Christmas.

Hindi lang kami sure kung sa Parada ng mga Bituin ay wala na si John kaya ‘di na siya makakasakay sa float ng Shake Rattle and Roll 9, ang only horror flick ng Regal Entertainment sa Metro Manila Filmfest 2007.

Pero, siyempre’y puspusan na ang promo ni John at ng mga kasamahan niya sa nasabing trilogy movie na tested na ang lakas sa box-office everytime na may MMFF.

Samantala, hindi na nagdi-deny pa si John na tuluy-tuloy na ang panliligaw niya kay Shaina Magdayao, kahit medyo hindi sila magkaedad. Shaina’s definitely much younger than John, pero sabi nga, pag-ibig ‘yan and there is no age boundery sa love.

Hayan at inamin na ni Shaina na nabuwag na ang loveteam nila ni Rayver Cruz kaya nai-entertain na si John ng dalaga. Ang ta-nong, paano kaya ito tatanggapin ng kani-kanilang fans?

Inamin ni John sa presscon ng Shake, Rattle and Roll 9 na nakadalaw na ito sa bahay ng nililigawang si Shaina.

“The family is great, wala akong masabi,” kuwento ni John, na parang in love na nga ulit.

Kung maga-abroad man daw si John ay maii-tindihan naman ‘yun ni Shaina.

“You know, family ito eh. Marami pa namang ibang time to spend together,” sambit ng alaga ni Arnold Vegafria.

Kasama nga pala ni John sa Shake, Rattle and Roll 9 sina Dennis Trillo, Katrina Halili, Matt Evans, Felix Roco, Melissa Ricks, etc.