Maja Salvador ayaw nang balikan ni John Prats
By: Joey Diego   From: Hataw! tabloid
[March 22, 2007]


    Balik-tambalan nga sina John Prats at Maja Salvador via Lovespell. Sumigla ulit ang mga dating fans nila pero nag-swear sa amin ang binata na hanggang balik-tambalan lang sila. Hindi na raw puwedeng mauwi sa relasyon dahil may GF na siya ngayon na non-showbiz.

    "Okay naman kami ni Maja, we work together sa ASAP at komportable na kami nang ganito. Yung past, wala na yun! Masaya na ako sa GF ko ngayon at alam ko maraming nanliligaw kay Maja ngayon. Nag-bloom at nagdalaga na siya nang husto. Lalong gumanda!" panimula ni John sa amin.

    Sakaling walang GF ngayon si John, mas gusto na lang niyang maging kaibigan si Maja. "Mas okay kami na ganito. Mas okay kami na magkatrabaho. Hindi sa anupaman, ang feeling ko kasi, parang mas masaya kami na co-worker lang, less pressure at less intrigue!" natawa pang sabi ni John.

    Para sa mga fans na lang daw talaga ang pagtatambal nila. "Oo naman, andyan pa rin sila na sumusuporta sa amin. Magkaiba man ang mga nakakapareha namin ay lagi silang naririyan at nagmamahal talaga. Nakakatuwa nga dahil ang tagal na naming walang project together ni Maja pero hindi pa rin sila nabubuwag kaya itong show namin ngayon, gift talaga sa kanila yun!" say pa uli ni John.