John at Maja, magtatambal sa isang sineserye
By: Pacita A. Ramos   From: People's Taliba
[April 04, 2007]


    Mainit ang panahon, pero, mas mainit ang mga balitang nasagap ng Taray nang araw na iyon sa Island Cove, kung saan nag-live telecast ang ASAP noong Linggo.

    Tulad na lamang ng pagkawala ni John Prats sa ‘Pinas ng isang buong Linggo. Pupunta po siya sa States, pero, wag na wag aakalaing pakakasalan na niya sa Las Vegas ang kanyang GF ngayong summer.

    Sosyal ang katwiran ng Dance Floor Dynamite: “Mag-aaral lang po ako ng sayaw. Sasamantalahin ko ang bakasyon para matuto ng bagong churva on hip-hop and RnB, whatever that means.

    “By the time I arrive, diretso naman ako sa Bicol for a dance show with hopefully, Maja Salvador.”

    Balita din daw niya ay magkakatambal uli sila ni Maja sa isang sineserye ng ABS-CBN. John must be referring to a project na "Maharlika" kuno ang working title.

    Why not? Si John naman talaga holds the record as Maja’s first ever leading man in It Might Be You, noon, remember?

    “Suwerte ng babaing iyan,” patuloy niya. “May Jason (Abalos) sa movie, may JayR (Siaboc) sa Your Song tv show at may yours truly pa sa sineserye at UD4 at Maharlika,” kuwento pa ni John.