Sa November 12 na ang first day shooting ng "Manay Po 2: Three Gays and a Baby"
By: ----   From: ----
[November 03, 2007]


    The same cast ang bubuo sa gay movie, gaya nina Polo Ravales, Luis Alandy, John Prats, Jiro Manio, Cherry Pie Picache, IC Mendoza, LJ Reyes at Mike Tan.

    Si Direk Joel Lamangan pa rin ang magdidirek mula pa rin sa script ni Dinno Erece.

    May madaragdag pa nga, gaya ng gaganap sa baby maker na magbibigay ng anak kina Polo at Luis.

    Narinig namin ang mga pangalan nina Katrina at Cristine Reyes na kinu-consider for the role. Kung gusto ng Regal na mas umingay ang movie, bakit hindi si Ara Mina ang kunin nila for the said role?

    Magkaaway sila ngayon ni Polo at masaya ang shooting ípag nagkataon at baka on-cam lang sila mag-usap at deadmahan na ípag walang eksena.

    Sa istorya, bading pa rin si John at nagsasama na sina Polo at Luis. Payag si Polo na magkaroon uli sila ng kissing scene ni Luis, kaya lang, baka hindi na naman pumayag ang MTRCB na ipalabas ang eksena.

    Next year pa ang playdate ng pelikula, pero ngayon pa lang, marami na ang naghihintay sa movie.