Sunud-sunod ang pelikula ni John Prats
By: ----   From: People's Tonight
[November 11, 2007]

    Sunud-sunod ang pelikula ni John Prats dahil pagkatapos ng Shake, Rattle, & Roll 9, sisimulan niya this Sunday ang shooting ng Manay Po 2 (Three Gays and a Baby).

    Sina Polo Ravales, Luis Alandy, Jiro Manio at Cherry Pie Picache pa rin ang bubuo ng main cast at si Joel Lamangan ang director mula sa script ni Dinno Erece.

    Excited na si John dahil magkakaroon siya ng dalawang boylet sa istorya at payag siyang magkaroon ng kissing scene sa kapuwa lalaki kung kinakailangan.

    Hindi na niya kailangang paghandaan ang umarteng bading, dahil kayang-kaya niya.

    Aayusin ng Regal ang schedule ni John dahil ibinalita nitong aalis sila ng kanyang pamilya papuntang Los Angeles sa December para bisitahin si Camille Prats, na nakatakdang manganak sa last week ng January.

    Sa States magpa-Pasko ang Prats family at January 8 na ang balik dito ni John, na nanghihinayang na hindi niya mahihintay ang pagsisilang ng kapatid, eh, excited pa naman siyang maging tito.

    Mababago siguro ang shooting schedule ng movie na dapat nagsimula this Sunday dahil hihintayin ang pagbabalik ni Mother Lily from Israel sa November 14 para aprubahan ang budget.

    Hindi lang kami sure kung mauurong din ang playdate nito, na dapat ay Jan. 31.