The Ultimate Dance 4 album
By: Vinia Vivar   From: Bulgar
[February 21, 2007]


    Nagsimula lang sa A.S.A.P. ang segment na Ultimate Dance Four na kinabibilingan nina John Prats (Dance Floor Dynamite), Maja Salvador (Dance Princess), Rayver Cruz (Dance Floor Heartthrob), Shaina Magdayao (Dance Floor Sweetheart), ngayon ay may sarili na silang dance album produced by Star Records and ASAP Music.

    Sa album launch last Monday, muling ipinakita ng Ultimate Dance Four ang galing sa dance floor nang sayawin nila ang carrier single na Kembot composed and performed by Marcus Dennis with Amber.

    Sa apat, siyempre, si John ang beterano na sa pagsasayaw since matagal-tagal na rin niyang hawak ang korona sa Dos bilang pinakamahusay sa sayawan. Pero say nga niya, enjoy na enjoy siyang kasayawan ang tatlong bagets dahil pawang mahuhusay din ang mga ito at kani-kanyang estilo sa pagsasayaw.

    "Si Maja, para siyang black girl kung magsayaw. 'Yung parang mga hip-hop na Beyonce, ganun. Si Shaina, she really excels in jazz, 'Yung mga movements niya, jazz talaga, so may ibang estilo siyang ipinapakita. And si Rayver, advantage niya is he's tall and 'pag nagblocking siya, talagang pinung-pino. So, may kani-kanyang strength silang tatlo," pagdi-describe ni John.

    Kung siya ang tatanungin, hip-hop din daw ang style niya just like Rayver kaya hirap daw sila sa jazz at 'yun naman daw ang strength ni Shaina.

    Bukod sa sariling dance album, ang Ultimate Dance Four din ang napiling magbida sa susunod na episode ng Love Spell, First taping day nila kahapon at excited silang apat dahil first time raw nilang magkakasama sa isang weekly series.

    Ultimate Dance Four album contains 10 danceable tunes kasama na ang Kembot. Other tracks included UD4 Dance Break, Boom Laajera, Drop It, Bamboo Dance Remix, Disco Superstar, Panola, Take it Off and SUperlicious Mama.